Incumbent senators, congressmen at mga sikat na personalidad, sasabak sa 2019 midterm elections

by Jeck Deocampo | October 16, 2018 (Tuesday) | 18410
Photo: SAP Bong Go Twitter Account

MANILA, Philippines – Sa ikatlong araw ng pagtanggap ng Commission on Elections ng mga certificate of candidacy (COC) ng mga nais kumandidato sa 2019 midterm elections, naunang dumating si Senator Cynthia Villar.

Ang adbokasiya ni Senator Villar ay pagtulong sa mga mahihirap na sektor partikular na ang mga maliliit magsasaka.

Noong 16th congress, 27 na mahahalagang batas ang naisulong at naikda ng senador. Kabilang na rito ang pagtatatag ng Philippine National Railways, Lemon Law, Sugarcane Industry Development Act, Youth Entrepreneurship Act, Anti-agricultural Smuggling Act at iba pa. Ngayong 17th Congress, pinangunahan naman niya ang pagpapasa sa senado ng free irrigation law at coco levy trust fund.

“In my second term, I‘ll do developmental work. Gusto ko gumawa ng mga bagay na makatutulong upang maging competitive at saka profitable ang mga farmer at hindi sila aasa sa cartel. They will do it in their own, they will sell products in their own thru their cooperatives, thru their local government,” ani ni Senator Cynthia Villar.

Dumating rin upang maghain ng COC si Senator Grace Poe. Dumipensa ang senadora sa pagpabor niya noon sa pagpapasa ng tax reform package na itinuturong dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“We agreed to support it also because there are supposedly social mitigating measures dwelve in. Ibig sabihin, dadagdagan ang suporta sa pinakamamahirap na pamilya ang conditional cash transfer, ang fuel vouchers na ibibigay sa mga pumapasada,” pahayag ni Sen. Grace Poe.

Si Senator Joseph Victor Ejercito, bagamat humiwalay na sa partido ng kaniyang ama ay hindi naman iiwan ang apelyidong Estrada sa kaniyang COC.

Ani ni Sen. Ejertcito, “It’s my track record that will really help boost my candidacy.”

Kasama naman ni Magdalo Partylist representative Gary Alejano sa paghahain ng kaniyang COC sa pagka-senador si Senator Antonio Trillanes IV na matatapos na ang termino.  Umaasa ang kongresista na hindi siya makararanas ng political persecution dahil sa pagiging kritiko ng administrasyon.

“I just hope na hindi magkakamali uli ang gobyerno (katulad) na ginawa nila katulad kay Senator Trillanes,” ani ni Representative Alejano.

Huling nag-file ng kaniyang COC kahapon si Special Assistant to the President Secretary Bong Go.  Personal siyang sinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang miyembro ng gabinete sa COMELEC.

“We will continue and strengthen the fight against corruption, against criminality, and against illegal drugs. But this time we will do it in the upper chamber of of the Philippine Congress, kailangan po ng tapang at malasakit sa Senado,” pahayag ni SAP Bong Go.

Sa day 3 ng COC-filing, kabuoang 63 na ang nais tumakbo sa pagka-senador sa darating na 2019 midterm elections.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , , , , ,