
Nababahala ang kampo ni dating DILG Secretary Mar Roxas na maging pulitikal ang hearing ng senado sa Kidapawan incident ngayong araw sa Davao City.
Ayon kay Congressman Barry Gutirrez, tagapagsalita ng daang matuwid coalition, ito ay sa dahilang ang mga senador na nagsasagawa ng hearing ay kandidato o kasama sa kampanya ng ilang tumatakbo sa pagka-presidente.
Sinabi ni Guttierez na hindi na marapat na magamit ang mga magsasaka sa pulitika at sa halip ay umasa na lalabas ang katotohanan upang mabigyan sila ng tutuong hustisya.
Dismayado naman ni Senador Juan Ponce Enrile sa tila biglaan ang pagdinig.
Wala namang nakikitang problema si Senador BongbongMarcos kung pinangunahan ng ilang senador mula sa kampo ng isang presidential candidate ang hearing ng senado sa Kidapawan dispersal incident.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: ilang presidential candidate, Kidapawan dispersal incident, Senate hearing
METRO MANILA – Kinumpirma ng kampo ni dating Presidential Adviser Michael Yang ang pagdalo nito sa
gagawing series of Senate Hearing upang pag-usapan ang isyu sa Department of Health (DOH) pandemic budget utilization.
Kinumpirma ito ng abogado ni Yang sa ipinadalang ng liham kay Senate President Vicente Sotto.
Humiling naman ang kampo ni Yang sa senado na kung maari ay magkaroon ito ng Mandarin Interpreter dahil sa hirap siyang sumagot sa wikang Ingles o Filipino.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: Michael Yang, Senate hearing

Ayaw pang pangalanan ni Senate President Vicente Sotto III ang mga testigo na kanilang ihaharap bukas, Oct. 9, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa agaw-bato scheme at GCTA for sale. Pero tiniyak nya na may mga bagong isyung mabubuksan partikular na sa 2013 agaw-bago incident sa Pampanga.
“Pinagkukuha ang sasakyan ni Johnson Lee that will be part of the investigation tomorrow na lalabas yung mga sasakyan na tinira,” ani Sen. Vicente Sotto III, Senate President.
Sa isyu naman ng GCTA sinabi nina BUCOR officers Mabel Bansil at Veronica Buño na hindi daw kasama sa mga nakikinabang gcta for sale si dating BUCOR Chief Nicanor Faeldon. Pero may mga bagong impormasyon umano silang inamin sa mga Senador.
At para sa seguridad ng mga ito nagpasya ang mga Senador na huwag isapubiko.
“Marami silang sinabi eh, sa executive session, ang mga sinabi nila related to their work,” dagdag ni Sen. Vicente Sotto III, Senate President.
Bukas imbitado pa rin ang mga opisyal ng BUCOR maging sina dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief Benjamin Magalong, Philippine Drug Enforcement Agency Chief Aaron Aquino at Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.
Samantala hindi naman sang-ayon ang Senate President sa pahayag ni Albayalde na pinupulitika lamang sya sa pagdawit ng kanyang pangalan sa agaw-bato shceme.
“Si General Albalyalde kung may dapat syang sisihin, ang Senado ang sisihin nya yung Blue Ribbon hindi si Mayor Magalong,” ayon kay Sen. Vicente Sotto III, Senate President.
(Grace Casin| UNTV News)
Tags: Agaw bato scheme, Albayade, PDEA Dir. Aaron Aquino, Senate hearing, Senate President Vicente Sotto III

Naglabas ng galit si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa naging pagtrato sa kanya ni Sen. Antonio Trillanes nang dumalo siya sa Senate hearing noong isang linggo. Ayon sa Bise Alkalde, dapat maglabas ng ebidensya ang senador upang mapatunayang may basehan ang kanyang mga akusasyon.
Sinabi pa nitong tila nalilihis na ang tunay na pakay ng imbestigasyon. Hindi rin aniya alam kung saan kinukuha ng mambabatas ang kanyang mga impormasyon partikular na ang sinasabing pagkakaroon ng Davao group.
Ipinahayag din ni Vice Mayor Duterte na may iba pang grupo ang nais na magpabaksak sa kanilang pamilya. Hindi rin nito naiwasang maglabas ng hinanakit sa ilang mamamahayag na aniya’y hindi patas sa kanilang ibinabalita.
(Marisol Montaño / UNTV Correspondent)
Tags: Sen. Antonio Trillanes, Senate hearing, Vice Mayor Paolo Duterte