Panukalang batas para itaas sa 16 y.o. ang Sexual Consent, pasado na sa Senado

by Erika Endraca | September 28, 2021 (Tuesday) | 8079

METRO MANILA – Pasado na sa final reading ng senado ang Senate Bill No. 2332 na magpoprotekta sa mga bata laban sa pang-aabusong sekswal.

Inaamyendahan ng panukalang batas ang Republic Act no. 8353 o Anti-Rape Act of 1997, na itinuturing na statutory rape ang isang bata na wala pang 12 taong gulang na nakaranas ng gawaing sekswal.

Sa ilalim ng batas, sinumang nasa hustong gulang na may sexual intercourse sa isang menor de edad na mas bata sa 16 taong gulang ay nagkakasala ng panggagahasa kahit na ang bata ay ibinigay ang kanyang pahintulot sa gawaing sekswal.

Binabago din ng panukalang batas ang kahulugan ng panggagahasa upang bigyang linaw na ang lahat ng mga tao, anuman ang kasarian, ay maaaring gumawa ng nasabing krimen.

Inaamyendahan din nito ang batas na nagsasabing ang panggagahasa ay nasa pagitan lamang ng isang lalaki at isang babae.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: