Senador Grace Poe pinabulaanan ang akusasyon na may misrepsentation sa kanyang COC noong 2013

by Radyo La Verdad | August 17, 2015 (Monday) | 2257

POE
Hindi sa Senate Electoral Tribunal nagwawakas ang petisyon ni Lito David kay Senador Grace Poe sa citizenship issue.

Naghain ito ng 20 page complaint sa Commission on Elections kung saan sinasabing si Poe ay lumabag sa Section 262 ng Omnibus Election Code.

Ayon kay David, may misrepresentation si Poe sa kanyang 2013 Certificate of Candidacy dahil hindi sya natural born filipino at hindi pa nakikilala o natutukoy ang tunay niyang mga magulang hanggang sa ngayon

sagot naman ni Senador Poe malinaw na panlalait ito sa mga magulang na nag-adopt ng mga bata at naninindigan ito na siya ay isang natural born filipino citizen.

Tinuligsa rin ni Senador Chiz Escudero ang nasa likod ng mga aksyon ni David laban sa senadora.

Una ng sinabi ni Senador Poe na may pinanghahakawan siyang mga dokumento na nakahandang ipakita na di ito nagsisinungaling sa kanyang citizenship.

Pinabulaanan rin ni Poe na ang lumabas na paid ads na binabati ang kanyang amang si Fernando Poe Junior sa kaarawan nito sa August 20 ay senyales natatakbo siya sa eleksiyon sa susunod na taon. (Bryan de Paz/ UNTV News)

Tags: , ,