Senador Grace Poe, isinusulong ang pagpapabilis ng proseso sa legal adoption

by Radyo La Verdad | February 12, 2018 (Monday) | 17778

Sa taong 2017, sa 752 mga bata na ligal nang maaaring kupkupin, 387 lamang ang nakumpleto ang ligal na proseso para sa kanilang adoptive families.

Ayon kay Social Welfare and Development Officer in Charge Undersecretary Emmanuel Leyco, mas marami pa sanang kabataan ang posibleng makupkop ng angkop na pamilya kung magiging mas madali ang proseso.

Sa kasalukuyan, bukod sa administrative phase, kinakailangan pang dumaan sa judicial phase kung saan may pagdinig pang ginagawa sa korte para sa petition for adoption.

Kaya upang mabawasan ang gastusin at mapabilis ang mga hakbang sa legal adoption ng isang bata, plano ni Senador Grace Poe na magsumite ng panukalang batas para rito.

Ibig sabihin, magkakaroon ng mas simpleng proseso ng pag-aampon sa pamamagitan ng isang administrative system.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,