Senador Cayetano tiwalang magiging bukas pa rin si Mayor Duterte sa pagtakbo bilang Pangulo hanggang Disyembre

by Radyo La Verdad | October 21, 2015 (Wednesday) | 1358

CAYETANO
Nakahinga ng maluwag si Vice Presidential candidate Alan Peter Cayetano dahil sa nakalipas na pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2016 elections.

Bukas sa lahat na gusto ni Cayetano na maging running mate si Duterte dahil naniniwala siyang kwalipikado itong pamunuan ang bansa batay na rin sa karanasan nito sa pamamahala at pamumuno bilang mayor ng Davao City.

Sinabi ni Cayetano na hindi pa rin niya susukuan si Duterte

Paliwanag ni Cayetano isa sa dinadahilan ni Duterte kung bakit ayaw nitong kumandidatong pangulo ay ang kanyang pamilya at maysakit na cancer ang kanyang asawa.

Nagkausap na rin si Cayetano at Duterte sa telepono at magtatakda pa ng paguusap sa mga susunod na araw

Ayaw nitong pangunahan o idetalye ang iba pang napagusapan bukod sa isyu ng pagtakbo

Ayon sa rules ng Comelec, may hanggang December 10 pa ang bawat partido kung magkakaroon ng substitution sa kanilang kandidato na naunang naghain ng certificate of candidacy.

Sa panig ng PDP-LABAN hinihintay pa rin nila kung magbabago ang decision ni Duterte para sa 2016 presidential elections.( Bryan de Paz / UNTV News )

Tags: ,