Senado, tinapyasan ng P50.7 bilyong piso ang pondo ng DPWH

by Radyo La Verdad | December 1, 2017 (Friday) | 4223

50.7 billion pesos ang tinapyas ng senado sa pondo ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Wala daw umano kasi itong malinaw na claimants.

Idadagdag ang tinapyas na pondo sa Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Statistics Authority para sa pagpapatupad ng national id system. Gayundin para sa allowance ng mga guro at feeding program ng Department of Social Welfare and Development.

Umapela naman si Senator Cynthia Villar dahil naapektukan ng budget cut ang isa sa kaniyang road project sa Las Piñas. Subalit tinanggal ito ng senado at planong gamitin nalang sa pagpapatayo ng pabahay para sa mga pulis at sundalo.

Samantala, personal na kinausap ni Department of Labor and Employment Sec. Bello ang mga mambabatas para dagdagan ang kanilang pondo.

Gagamitin ito para sa repatriation ng mahigit 200 libong Overseas Filipino Workers sa Saudi, Lebanon at Qatar sakaling lalong lumala ang kaguluhan doon.

Ayon sa dalawang kapulungan ng Kongreso, sisikapin nilang maisaayos ang kanilang magkaibang bersyon at target na maratipikahan ang 3.7-trillion pesos General Appropriations Bill sa Dec 12.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,