Sen. Trillanes, walang nakikitang problema sa hindi pag-iisyu ng TRO ng SC vs amnesty revocation

by Radyo La Verdad | September 12, 2018 (Wednesday) | 5855

Mas pabor pa para sa kampo ni Senator Antonio Trillanes IV ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema na ipinapaubaya sa Regional Trial Court ang kaso ng senador.

Ayon sa mambabatas, nangangahulugan ito na walang iligal na pag-aresto na mangyayari.

Hindi na aniya maaaring ipilit ng administrasyon na arestuhin siya na walang warrant of arrest.

Abaangan ni Senator Trillanes ang kopya ng desisyon ng SC, na posibleng maging batayan kung maaari na siyang umuwi.

Samantala, hihintayin rin ni Senate President Vicente Sotto III ang kopya ng Supreme Court (SC) rulling upang makapagbigay ng posisyon sa isyu.

Ayon sa Senate President, wala namang problema sa pananatili ng senador sa gusali ng Senado maliban sa ilang teknikalidad.

Naghain naman ng resolusyon ang minority senators upang imbestigahan ang inilabas na proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumabawi sa amnestiya ni Senator Trillanes.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,