Sen. Leila de Lima, posibleng maghain ng motion for reconsideration sa desisyon ng SC kaugnay ng Marcos burial

by Radyo La Verdad | November 9, 2016 (Wednesday) | 1227

aiko_de-lima
Tutol si Sen. Leila de Lima sa naging desisyon ng Korte Suprema na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Sen. de Lima, ito ay tila nagpapakikita ng pagkabalewala sa mga naging biktima ng diktatorya noong panahon ng Martial Law.

Isa si de Lima sa mga pettioner ngunit na-dismiss ito ng mayorya ng Korte Suprema kaya’t nais niya muling magsumite ng motion for reconsideration.

Naniniwala rin si de Lima na hindi pa naman ito executory kaya’t may pagkakataon pa ang mga petitioner na tutulan ang desisyon ng mga hukom.

Umaasa ang senadora na magkakaroon ng reverse sa desisyon kailangan lang aniyang subukan at maitakda ang pagsasampa ng motion for reconsideration sa takdang panahon.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,