Sen. Leila De Lima, nilinaw na hindi tumututol sa anti-drugs operations kundi nais matiyak na hindi nalalabag ang karapatan ng mga suspect

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 1263

BRYAN_DE-LIMA
Hindi mapipigilan ng anumang reklamo o kaso si Senador Leila De Lima upang ituloy ang planong imbestigasyon sa mga police operations laban sa ilegal na droga.

Sinabi ng senador na desidido syang ipatawag ang mga Philippine National Police Official upang bigyang linaw ang umiiral na proseso sa mga ginagawang operasyon.

Hindi na rin siya nagtataka na babalikan siya ng kaso.

Nilinaw din ni Sen. De lima na hindi siya tumututol sa layunin ng administrasyon na tutukan ang problema sa droga kundi nais lamang niyang matiyak na hindi nalalabag ang karapatan ng mga suspect.

Ayon kay Senador De Lima, layon nitong makita kung may pagkukulang sa umiiral na batas at kung na-aayon sa proseso ang ginagawang operasyon ng pnp laban sa mga drug pushers o kampanya kontra iligal na droga.

Binigyang diin din ni Sen. De Lima na siya ang unang naglakas ng loob na pumasok sa teritoryo ng mga kilalang drug personality sa New Bilibid Prisons upang masawata ang mga inmate na gumagamit o nagbebenta ng droga sa loob ng bilibid

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,