Sinubukan umano ni Senador Leila de Lima na hiningian ng pera si Janet Napoles noong 2013 upang hindi na muling buksan ang kasong serious illegal detention laban sa kanya na isinampa ni Benhur Luy.
Ayon mismo kay Napoles, na dismis na noon ang kasong serious illegal detention sa Department of Justice.
Bukod kay de Lima, may iba pa aniyang personalidad ang lumapit sa kanya upang manghingi ng pera.
Ayon kay Napoles, nasa 300 million pesos ang kabuuang halaga na sinubukang hingin sa kanya ng mga ito.
Naniniwala naman si dating Senador Jingoy Estrada na malaki ang maitutulong ng manifestation ng solicitor general na pawalang sala si napoles sa kasong serious illegal detention.
Ayon kay Estrada maaaring ma discredit si whistle blower benhur luy kung mapatunayang hindi totoo ang illegal detention case.
Sa ngayon ay nasa kamay na ng Korte Suprema kung ang desisyon sa manifestation ng solgen na pawalang sala si napoles sa kasong serious illegal detention.
Suportado naman ni Pangulong Duterte ang manifestation ng solgen na pawalang sala sa kasong serious illegal detention si Janet Lim Napoles.
Sinubukan ng UNTV News na kunin ang panig ni Senador de Lima subalit hindi pa ito nagbibigay ng kanyang pahayag.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Benhur Luy, Janet Napoles, pera, Sen. Leila De Lima, serious illegal detention case