Sen. Leila de Lima, igiinit na walang balak umalis ng bansa

by Radyo La Verdad | October 11, 2016 (Tuesday) | 1331

aiko_de-lima
Inilagay na ng Department of Justice sa immigration lookout bulletin sina Senator Leila de Lima at limang iba pa na iniuugnay sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Layon nitong, i-monitor ang galaw ng mga ito nila habang iniimbestigahan sila ng kagawaran.

Ngunit para kay Sen. De Lima, walang matibay na basehan para gawin ito sa kanya ng DOJ.

Kasama rin salisthan sina former DOJ Undersecreatry Franciso Baraan III, former Bureau of Corrections Chief Franklin Jesus Bucayu, dating driver at umano’y collector ng drug money ni Sen. De Lima, Ronnie Dayan, dating Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Reginald Villasanta at dating bodyguard ni Sen.De Lima na si Joenel Sanchez.

Muli ring tiniyak ng senadora na handa niyang ang lahat ng akusasyon laban sa kaniya.

Binigyan diin din nito na tanging ang Korte Suprema lamang umano ang may karapatang pumigil sa pag- alis nito palabas ng bansa.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,