Sen. Leila De Lima, hindi pipiliting dumalo sa house investigation on drugs

by Radyo La Verdad | August 25, 2016 (Thursday) | 1251

NEL_DE-LIMA
Tuloy na ang pagpapatawag ng imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa paglaganap ng sindikato ng droga sa mga pambansang kulungan.

Nakasaad sa house resolution number 105 na nais ng mga mambabatas na siyasating mabuti ang naiulat na patuloy na operasyon ng dalawang top drug dealers na sina Peter Co at Herbert Colongco sa loob ng NBP.

Kabilang din sa titingnan ng komite ang posibleng pananagutan ng mga otoridad partikular na sa ilalim ng panunungkulan ni dating DOJ Secretary at ngayon ay Senator Leila De Lima.

Gayunman, hindi na pipiliting dumalo si De Lima sa naturang pagdinig.

Sa ngayon ay wala pang itinatakdang schedule ang Lower House kung kailan isasagawa ang pagdinig.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,