Sen. Grace Poe, umaasang papaboran ng Comelec En Banc ang kanyang apela sa isyu ng disqualification

by Radyo La Verdad | December 3, 2015 (Thursday) | 1517

GRACE-POE
Muling binigyang diin ni Senador Grace Poe na nakatugon siya sa requirements bilang isang natural born filipino.

Lubos nitong ikinalungkot ang desisyon ng Comelec 2nd Division na idiskuwalipika siya sa kanyang presidential bid sa 2016 elections.

Sinabi rin ng senador na may nakikinabang sa ginagawang panggigipit sa kanya

Sa kabila nito umaasa pa rin si Senator Poe na papanigan ng Comelec En Banc ang kanyang apela.

Ayon kay Poe ang nangyayari sa kanya sa ngayon ay naranasaan na rin sa kanyang ama na si Fernando Poe Jr.

Guest speaker si Senador Poe ngayong myerkules sa meet the presidentiables series na inorganisa ng go negosyo.

Pinayuhan naman ni Senator Bongbong Marcos si Poe na huwag panghihinaan ng loob at huwag isuko ang kanyang ipinapakipaglaban.

Hindi naman pabor si Senador Antonio Trillanes IV sa desisyon ng Comelec 2nd Division.

Ayon naman sa supporter ni Sen. Poe na si dating Anwaray Partylist Congressman Bem Noel, kaduda duda ang desisyon ng Comelec 2nd Division.

Samantala sa huwebes tatalakayin na ng Senate Electoral Tribunal ang motion for reconsideration ni Rizalito David sa citizenship issue ni Poe.

Umaasa ang kampo ni David na magbabago ng pananaw ang ilang miyembro ng SET.

Ngunit ayon sa ilang miyembro ng SET ang kanilang desisyon ay pinag-aralan nila kaya malabo ng mabago ito. (Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , ,