Ginugunita ngayon lunes ang ikalabing-isang taon ng pagpanaw ng aktor na si Fernando Poe Junior.
Si FPJ ay pumanaw noong 2004 matapos ang presidential elections.
Dinaluhan ang pagtitipon sa Manila North Cemetery ng pamilya, kaibigan at supporters ni FPJ at ilang senatorial candidate sa Poe-Escudero tandem
Pinangunahan ni Senador Grace Poe ang commemoration
Nagpapasalamat si Senador Poe sa patuloy na pagsuporta sa laban ng kanyang ama
Naging emosyonal ito sa paghahatid ng kanyang talumpati
Naniniwala si Poe na ang kanyang pinagdadaanan ngayon tulad ng isyu ng disqualification case ay hindi para lang sa kanyang sarili kundi para sa bayan
Samantala, umaasa si Senador Grace Poe na papaburan ang kanyang apela sa Comelec En Banc kaugnay sa pagdisqualify sa kanya ng 1st at 2nd Division ng Comelec
Ngunit pinaghahandaan nya pa rin na itoy makarating sa Korte Suprema. (Bryan de Paz/UNTV News)