Hinikayat ni Senator Grace Poe ang Malacañang na i-certify as urgent ang proposed emergency powers upang iprayoridad ito ng Kongreso.
Ayon sa senadora na may akda ng Senate Bill No. 1284 o ang Traffic and Congestion Crisis Act of 2016, sa pamamagitan nito ay mas mapadadali ang pagresolba sa krisis sa trapiko sa Metro Manila dahil mabilis na maipatutupad ang mga proyektong magpapaginhawa sa traffic.
Kapag sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas, maaari itong ipasa ng Kongreso sa second at third reading sa loob ng isang araw.
Nine session days na lamang mayroon ang senado at malaking bahagi nito ay nakalaan sa deliberasyon ng proposed tax reform.