Sen. Grace Poe, hindi umaasang i-eendorso ni Pangulong Aquino sa 2016 presidential election

by Radyo La Verdad | July 29, 2015 (Wednesday) | 1359

SCREEN SHOT
Ikinagulat rin ni Senador Poe na napasama sya sa split screen video kasama sina Vice President Jejomar Binay at DILG Secretary Mar Roxas habang nagsasalita sa kanyang SONA si Pangulong Aquino

Sa panayam kanina sinabi ni Senator Poe na tanggap niya kung hindi siya ang eendorso ni Pangulong Aquino at sa halip ay si Secretary Roxas.

Ngayong lingo inaasahang ihahayag ng pangulo ang standar bearer ng Liberal Party para sa 2016 presidential elections.

Nagpasalamat naman ang senadora kay Pangulong Aquino sa mga oras na ibinigay nito sa tatlong beses na pag-uusap nila sa Malacanang.

Ayon kay Poe magkaisa sila ng pananaw ng pangulo pagdating sa ikabubuti ng bansa.

Ayon sa Senadora kapwa nagkakaisa sila na ipagpatuloy ang reporma sa pamahalaan na pinasimulan ng panuglo ngunit mayroon rin silang magkaibang pananaw gaya na lang sa isyu ng DOTC, MRT at sa Mamasapano incident

Itinanggi rin ni Poe na direkta syang inalok ni Pangulong Aquino na maging Vice President ni Roxas.

Una ng nagsabi si Poe na mas nais niyang maging running mate si Senador Chiz Escudero na kahapon ay nagbitiw na sa mga hinahakawang komite

Si Pangulong Aquino ang nag-appoint kay Senador Poe bilang Chairman sa MTRCB mula 2010 hanggang 2012 at kasama sa Senatorial Line up ng Team PNOY noong 2013 election.

Tags: ,