Isang government agency ang nagsabi kay Senador Alan Peter Cayetano na may nakalap itong impormasyon na may seryosong banta sa kanyang buhay dahil sa isyu ng Bangsamoro Basic Law.
Inirekomenda ng nasabing ahensya ng pamahalaan na dagdagan ni Cayetano ang kanyang security.
Dahil sa nabunyag na banta sa kanyang buhay maapektuhan na rin ang pagbiyahe niya sa ilang lugar sa bansa.
Hinala ni Cayetano bunga ito ng kumalat na impormasyon sa Marawi City at Central Lunzon na anti-muslim siya.
Sa kabila nito naniniwala pa rin si Cayetano na hindi naalis ang tiwala sa kanya ng muslim community sa Taguig.
Kahit may banta sa buhay, hindi umano titigil ang senador na isulong ang dapat na maging peace process sa Mindanao. ( Bryan de Paz/ UNTV News Senior Correspondent )