Senate presidency, nakatakdang pagusapan nina Senador Koko Pimentel at Senador Alan Peter Cayetano

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 6464

NEL_PIMENTEL-CAYETANO
Pabor ang mayorya ng mga senador na magusap sina Senador Koko Pimentel at Senador Alan Peter Cayetano kaugnay sa Senate leadership.

Ayon kay Senator-elect Juan Miguel Zubirri magpupulong ang dalawang senador upang maayos na ang nasabing isyu.

Para kay zubirri dapat magkasundo ang dalawang senador na sumusuporta sa legislative agenda at kaalyado ni incoming President Rodrigo Duterte.

Kinumpirma rin ni Senator-elect Joel Villanueva ang meeting na gagawin nina Pimentel at Cayetano.

Una nang sinabi ni Senador Pimentel na may labing pitong senador na ang nagpakita ng suporta sa kanya bilang susunod na Senate president.

Ayon naman sa ilang senador wala pa silang pinal na decision kung sino ang susuportahan.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,