Self-defense, muling iginiit ng MILF sa Mamasapano incident

by dennis | April 17, 2015 (Friday) | 2209
Photo grabbed from BOI's presentation during the Senate hearing on the Mamasapano incident (via gov.ph)
Photo grabbed from BOI’s presentation during the Senate hearing on the Mamasapano incident (via gov.ph)

Muling nanindigan ang Moro Islamic Liberation Front na self-defense ang ginawa ng mga kasapi nito na nakipag-engkuwentro sa Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang kanilang naging sagot sa naunang pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na 90 MILF at BIFF members kasama ang ilang private armed groups ang sasampahan ng kaso batay sa resulta ng imbestigasyon ng National Prosecution Service-National Bureau of Investigation (NPS-NBI) special team.

Sinabi ni MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar na inirerespeto nila ang findings ng DOJ pero nanindigan ito na tama ang kanilang report na isinumite sa International Monitoring Team at nagtanggol lamang sa sarili ang mga tropa nito

Una rito ay mariing iginiit ng MILF na hindi nila isusuko sa pamahalaan ang mga miyembrong nakipagsagupaan sa SAF.

Tags: , , , ,