Seguridad sa Asia-Pacific Region, kabilang sa natalakay sa pag-uusap sa telepono nina Pres. Duterte at Xi Jinping

by Radyo La Verdad | May 4, 2017 (Thursday) | 4182
Courtesy: Presidential photo

Nag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa pamamagitan ng telepono kahapon.

Ayon kay Acting Foreign Affairs Spokesperson Robespierre Bolivar, kabilang sa kanilang tinalakay ay ang isyu sa seguridad sa rehiyon partikular na ang tensyon ngayon sa Korean peninsula.

Binigyang diin din sa pag-uusap ng dalawa ang mahalagang bahagi ng China upang mapanatili ang kapayapaan sa lugar.

Samantala, nabuksan din ang usapin sa pagpapatibay ng ugnayan ng ASEAN member countries sa mga dialogue partner nito

Nakatakdang bumisita si Pangulong Duterte sa China sa susunod na linggo upang dumalo sa One Belt, One Road Summit sa Beijing.

Tags: , , ,