Seguridad para sa mga dumalo sa inagurasyon ni Pang. Rodrigo Duterte, naging mahigpit

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 9488

BRYAN_MAAYOS
Maaga pa lang ay nakahanda na ang labing pitong shuttle buses para sa mga panauhin ni President Rodrigo Duterte sa kanyang inagurasyon ngayong araw.

Aabot sa 637 ang guests ni Pangulong Duterte kasama na ang diplomatic corps.

Mahigpit ang seguridad sa palibot ng PICC.

Sa labas ng gusali ay nakakalat ang mga PNP personnel.

Pinangunahan naman ng Presidential Security Group ni Duterte ang security inspection.

Alas otso kailangan na nasa PICC na ang mga panauhin at bago mag alas nueve kanina ay isa- isa nang lumabas ang mga bus at inihatid sa palasyo ang mga guest.

Ang mga bus ay inasistehan ng metro manila development Authority at Philippine National Police Highway Patrol Group.

Gumamit ng bus sa paghatid sa mga panauin, dahil sa limitadong parking area sa Malacanang compound.

Sa PICC ipinarke ang mga sasakyan ng mga bisita.

Hindi pinapayagang makapag park ang walang carpass at walang naipakitang imbitasyon.

Sa kabuuan ay naging maayos ang seguridad sa paghahatid sa mga bisita ni Duterte mula PICC patungo sa Malakanyang at pabalik ng PICC matapos ang inagurasyon.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,