Nasa ika-49 araw na ang kaguluhan sa Marawi City.
At sa gitna ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at ISIS-inspired na Maute group, nananawagan si Senator JV Ejercito na iwasan muna ang pamumulitika.
Sa programang Get it Straight with Daniel Razon kahapon, sinabi rin ng senador na malaki ang posibilidad na suportahan niya ang pagpapalawig ng batas militar.
Ngunit nais muna niyang magkaroon ng security briefing mula sa Armed Forces of the Philippines at defense officials tungkol sa sitwasyon sa Mindanao.
Sa July 22 matatapos ang 60-day period ng martial law sa Mindanao.
At inaasahan ng ilang senador na matatanggap na nila ang hiling na extension nito bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte sa July 24.
Una nang sinabi ng AFP na pinag-aaralan pa nila ang posibilidad na palawigin ang martial rule at maaaring maisumite ang rekomendasyon dito sa mga susunod na linggo.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: duterte, Security briefing, SONA