Sec. Roque, itinangging mula sa pamahalaan ang kumakalat na mga text message hinggil sa pagpapabakuna

by Erika Endraca | June 4, 2021 (Friday) | 1713

METRO MANILA – Mariing pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga spam text na naglalaman ng panghihikayat nina Pangulong Rodrigo Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga Pilipino na magpabakuna.

Ayon sa mga nakatanggap ng mensahe mula sa mga hindi kilalang numero, nakasaad dito ang “from President Duterte at Mayor Sara Duterte #SafePilipinas #SafeDavao”.

“Ako po yung in charge sa communications pagdating po sa bakuna and I can say na bagamat ang Presidente po ang best communicator, hindi po kami nagpakalat ng ganyang text,” ani Sec. Harry Roque.

Samantala, sa isang infomercial video na inilathala ng gobyerno nitong Miyerkules (Hunyo 2) ay hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19.

“I invite all our kababayans to be vaccinated at the earliest possible opportunity because this is the most, if not the only way, effective way to defeat COVID-19 pandemic. Let us all keep in mind that the vaccine will not only protect you from the virus, it will also protect your loved ones, especially the sick and elderly.” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: ,