Meralco, nagbigay ng babala laban sa kumakalat na text

by Radyo La Verdad | February 28, 2024 (Wednesday) | 2487

METRO MANILA – Nagbigay ng babala ang Meralco laban sa kumakalat na text message na natanggap ng mga customer nito.

Nakalagay sa kumakalat na mensahe na ikinokonekta umano sa external site ng Meralco ang bank account ng customer.

Pinabulaanan naman ng electric company ang mensahe at sinabing huwag i-click ang link at hindi galing sa kanila ang text message.

Hiniling na ng kumpanya na i-block ang link na nasa mensahe, kasalukuyan na rin itong iniimbestigahan.

Tags: ,