Sec. Harry Roque, nagbabala sa posibleng epekto ng pagpapasa ng Anti-Fake News bill sa opposition group

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 3427

Tinalakay kahapon sa komite na pinamumunuan ni Senator Antonio Trillanes IV ang pagpapasa ng isang batas laban sa fake news.

Para sa Presidential Communications Operations Office, dapat pag-aralan muna itong mabuti lalo na’t may kaakibat itong parusa.

Naninindigan naman ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang isang abogado na labag sa konstitusyon ang panukalang ito; lalo na’t ito aniya ay lalabag sa freedom of expression.

Nagbabala rin ang kalihim sa posibleng epekto nito sa opposition group sakaling ito ay malusot sa Kongreso.

Aminado naman si Senator Trillanes na kailangan pa talagang idetalye ang kahulugan ng fake news.

Pinag-aaralan na rin aniya sa technical working group ang mga posibleng parusang ipapataw sa lalabag sa Anti-Fake News law.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,