Satisfaction rating o bilang ng nasisiyahan sa administrasyong Duterte, bumaba ng 12 puntos – SWS survey

by Radyo La Verdad | May 11, 2018 (Friday) | 3728

Bumaba ng 12 puntos ang satisfaction rating o bilang ng nasisiyahan sa administrasyong Duterte batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Kinuha ang survey sa pamamagitan ng interview sa 1,200 respondents sa buong bansa. Mula 70 percent o excellent rating noong December 2017, bumaba ito sa 58 percent o very good net satisfaction rating.

Sa bilang na ito, 69 porsyento sa mga Pilipino ang nagsasabing nasisiyahan sila sa pamamalakad ng national administration, 11 percent naman ang hindi nasisiyahan, samantalang 18 percent ang hindi makapagdesisyon.

Bumaba ang grado ng administrasyon sa Mindanao, Luzon at Metro Manila subalit napanatili sa Visayas.

Mataas naman ang nakuhang rating ng administrasyong Duterte sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at pagtatanggol sa karapatang pantao.

Tags: , ,