Satisfaction rating ni VP Leni Robredo, tumaas – SWS

by Radyo La Verdad | October 16, 2017 (Monday) | 4471

Limang puntos ang itinaas ng satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa nakalipas na tatlong buwan.

Mula positive 36 noong June 2017, tumaas ito sa positive 41 noong Setyembre base sa survey ng Social Weather Station o SWS.

Nagpapasalamat naman si VP Leni at naniniwala umano siyang nararamdaman umano ng taumabayan ang ginagawang proyekto ng kanyang opisina kahit na limitado nilang resources.

Nagbibigay inspirasyon umano ito sa kanila para lalong palawakin ang kanilang ginagawa.

Ngayon buwan, isang taon na ang flag ship program ng Office of the Vice President na “Angat-Buhay”.

Walang pondong inilabas ang OVP subalit sila umano ang naging tulay para maihatid sa mahihirap na lugar sa bansa ang tulong mula sa non-government organizaiton.

Samantala, nagpasalamat din ang opisina ni VP Leni sa 20-million pesos na pondong inilaan ng senado sa kanilang proyekto, ito ang unang pondong matatanggap ng OVP sakaling maaprubahan sa Bicameral Conference ng senado at Kamara.

Bukas October 17, sa ika-isang taon ng flagship program ng OVP, bubuksan naman nila ang bagong proyekto na natatawagin nilang “Angat-kabuhayan.” Dito tutulungan naman nila ang bawat benepesyaryo na mag-negosyo.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,