Satisfaction rating ni Pangulong Aquino, bumaba batay sa bagong SWS Survey

by Radyo La Verdad | December 17, 2015 (Thursday) | 1216

SATISFACTION-RATING
Sa pinakabagong inilabas na survey ng Social Weather Station, bahagyang bumaba ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III

Ngayong 4th quarter ng 2015, 58 percent ng mga respondent ang nagsasabing kuntento sa naging trabaho ni Pangulong Aquino, mas mababa kumpara noong 3rd quarter na 64 percent.

Tumaas ng bahagya ang nagsasabing hindi nasisiyahan sa pagganap ng tungkulin ng pangulo na may 26 percent mula sa 22 percent noong nakaraang quarter.

Bumaba ng siyam na puntos ang net satisfaction rating ng Pangulo, mula positive 41 ay nakakuha ng positive 32 ngayong 4th quarter ng taon ang Pangulo.

Pinakamalaki ang naging pagbaba ng rating ni Pangulong Aquino sa luzon region, mula positive 46 noong Setyembre ay bumaba ito sa positive 23 ngayong Disyembre.

Sa kabila nito ayon sa Malakanyang, magpapatuloy pa rin sila sa pagtatrabaho upang maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap na pamilya at makalikha pa ng maraming trabaho para sa mga pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, suportado ng datos ang ginagawa ng administrasyong Aquino.

Tulad ng naging pagbaba sa unemployment rate, ang naging takbo sa ekonomiya ng bansa, pag-angat sa poverty line ng mahigit isang milyong pamilya na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps.

Isinagawa ang survey noong December 5 hanggang 8 mula sa 1,200 respondents.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , ,