VP Leni Robredo, bumaba ang net satisfaction rating

by Radyo La Verdad | July 24, 2019 (Wednesday) | 6437
Photo from VP Leni Robredo FB page

Bumaba ng 14 na puntos ang net satisfaction rating ng Vice President Leni Robredo.

Batay sa June 22 to 26, 2019 na survey ng Social Weather Stations (SWS), 57-percent ang kontento sa trabaho ng Pangalawang Pangulo, 29-percent naman ang hindi at 14-percent ang hind makapagpasya.

Sa datos na ito na nakakuha ng positive 28 na net satisfaction rating si Robredo sa 2nd quarter ng taon, mababa ito sa labing apat na puntos kung ikukumpara sa kaniyang March 2019 rating.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,