Hindi makapagbigay ng kasiguruhan ang National Grid Corporation na may sapat na supply ng kuryente sa Mindanao ngayong eleksyon.
Ito ay sa dahilang napakaraming banta ng pambobomba sa mga transmission line ng NGCP SA Mindanao.
Isa rin sa pino-problema ng NGCP ang mga punong kahoy na nasa ilalim ng mga transmission tower na maaring pumutol sa linya ng kuryente.
Nagtakda na ng deadline ang ngcp sa mga may-ari ng lupa na kinatatayuan ng transmission tower na linisin ang lugar.
Sa ngayon ay bagsak ang 80 megawatts AGUS 2 Balawi line dahil sa mga puno na nasa ilalim ng transmission lines at hindi na sisiguro ng NGCP kung kailan ito maaayos.
(Mon Jocson/UNTV NEWS)