Sapat na supply ng bigas sa bansa, tiniyak ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 2843

NFA
Wala pang nakikitang dahilan ang Malakanyang upang magdagdag ng volume nang inaangkat na bigas dahil sa idinulot na pinsala sa agrikultura ng bagyong lando partikular na sa Northern Luzon kung saan matatagpuan ang mga malalawak na palayan.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Sonny Coloma, nakapagsagawa na ng mga hakbangin ang pamahalaan upang maging sapat ang supply ng bigas sa bansa.

Umangkat ang Pilipinas ng 750 metric tons ng bigas sa Thailand at Vietnam na inaasahang darating sa unang bahagi ng 2016.

Sinabi ni Secretary Coloma na bukas rin ang pamahalaan sa panukalang madagdagan ang budget ng NFA sa pagbili naman ng mga partially damage na mga palay na maaaring maidagdag sa supply ng bigas sa bansa.

Sa kasalukuyan ayon sa Malakanyang umaabot pa sa halos 8 billion pesos ang natitirang calamity fund ng pamahalaan na magagamit kapag may kalamidad. ( Nel Maribojoc / UNTV News )

Tags: