Nagpaputok ng 47 puntos si Special Assistant to the President Christopher Bong Go upang pangunahan ng Malacañang PSC Kamao para sa ikalawang sunod na panalo.
Pitong three point shot ng pinakawalan ni Bong Go, limang rebounds at isang steal sa kanilang sagupaan ng defending champion AFP Cavaliers sa main game ng triple header ng UNTV Cup Executive Face Off sa Pasig City Sports Center sa score na 87-69.
Ito rin ng ikalawang pagkakataon na tinanghal na best player of the game si Sec. Go. Una ay noong nkaraang linggo kontra GSIS Thunder Furies kung saan gumawa siya ng 44 points.
Samantala, tinapos na ng Senate Sentinels ang kampanya ng DOJ Justice Boosters na makapasok sa final four ng play offs matapos padapain sa makapigil hiningang bakbakn sa score 76-72.
Tinanghal na best player of the game si Senator Sonny Angara na kumamada ng 22 points 6 na rebounds at 2 steals.
Nag-ambag naman ng 10 points si Senator Joel Villnueva kahit hindi nakapaglaro ng maayos dahil sa injury sa balikat at kanang binti.
Dahil sa panalo, pasok sa number four spot ang Senate na may 4-2 win lost record. Nalaglag naman ng DOJ sa 2-4 panalo talo.
Umagapay naman ang judiciary magis sa ikalawang pwesto sa Ombudsman Graft Busters matapos talunin ng GSIS Thunder Furies sa score na 105-50.
Napakahalaga ng panalong ito sa Magis at ng nalalabi nilang laban sa Ombudsman at Senate upang makuha ng twice to beat advantage sa playoffs.
Tinanghal na best player of the game si Judge Wendel Ramiterre na may 30points at limang rebounds.
( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )
Tags: Malacañang, SAP Bong Go, UNTV Cup