Nangako si Special Assistant to the President Christopher Bong Go na gagawin ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Angelo Claveria.
Si Claveria ang overseas Filipino workers (OFW) na nakita sa isang septic tank sa South Korea.
Sa kanyang pagbisita sa labi ni Claveria sa Cabatuan, Iloilo kahapon, sinabi nito na nakatakdang bumyahe sa South Korea si Pangulong Duterte sa June 3 at isa sa pag-uusapan dito ang kaso ng OFW.
Nagkaloob din si Go ng 220,000 piso sa pamilya Claveria mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at 20,000 piso naman mula sa kanyang opisina.
Nagpapasalamat naman ang pamiya Claveria sa mabilis na pagpapauwi ng bangkay ni Angelo.
Tags: Iloilo, OFW, SAP Bong Go