Sangley Point Airport sa Cavite bubuksan na sa Nobyembre, pero flights limitado muna sa Cargo at General Aviation.

by Erika Endraca | October 30, 2019 (Wednesday) | 23814

MANILA, Philippines – Opisyal nang bubuksan ang Sangley Point Airport sa Cavite simula sa November 7. Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade cargo air freight lang muna mula ng Cebu Pacific ang payagang na gumamit nito para makabawas sa general aviation sa NAIA.

Ayon sa susunod na taon pa posibleng buksan ang commercial flight sa Sangley Airport. Mula sa Pasay City maaaring sumakay sa ferry boat an mga pasahero.

Halos 20 minuto lamang ang biyahe papunta sa Sangley Airport. Mas mabilis kumpara sa 1-oras na biyahe kung sasakyan ng bus mula sa PITX sa Coastal Baclaran.

Sa ngayon natapos ang passenger terminal, departure area, drainage system, security equipment at pag-aaspalto sa ilang bahagi ng airport. Habang inaayos pa ng DOTR at ng contractor ang runway at hanger o ang paradahan ng maliliit na eroplano.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,