Sandiganbayan nangangailangan ng karagdagang P166M para sa dalawang bagong division

by Radyo La Verdad | May 15, 2015 (Friday) | 2419

JOYCE_TANG_051515

Humihiling ng karagdagang budget ang Sandiganbayan sa Korte Suprema na nagkakahalaga ng mahigit sa P166M para sa dalawang bagong dibisyon nito.

Ayon kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, sumulat na sila sa Korte Suprema para sa dagdag budget ng anti-graft court.

Ang supplemental budget na ito ay para sa sweldo ng 66 na bagong posisyon sa 2 dibisyon, reconstruction ng 5th floor ng Sandiganbayan para sa bagong Courtrooms at maintenance at iba pang operating expenses.

Ayon kay Presiding Justice Tang, inaasahan nilang bago matapos ang taon ay maisasaayos na ang dalawang bagong divisions.

Naghahanda na rin ang Judicial and Bar Council para sa pagtatalaga ng 6 na bagong mahistrado ng anti-graft court.

Layunin ng pagdaragdag ng dalawang dibisyon ay upang mabawasan ang mga kasong hinahawakan ng lima pang division at mapabilis ang pagdedesisyon sa mga kaso. ( Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: , , ,