Guilty verdict sa graft cases vs Rep. Marcos, patunay na gumagana at parehas ang justice system sa bansa-Malacañang

by Radyo La Verdad | November 9, 2018 (Friday) | 3512

Gumagana at parehas ang justice system sa bansa ayon sa Malacañang.

Ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si Secretary Salvador Panelo, patunay nito ang hatol na guilty ng Sandiganbayan Fifth Division sa kasong graft laban kay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Ayon kay Panelo, ginagalang nila ang desisyon ng Anti-Graft Court at walang pakialam ang executive branch sa mandato ng korte.

Dapat din aniyang magsilbing paalala ang desisyong itong ng korte sa lahat ng public servant na ang pagkakatalaga sa isang public office ay may kaakibat na pananagutan sa taumbayan kaya nararapat ganapin ang tungkulin ng may integridad.

Tags: , ,