Sampung pulis na dawit sa mistaken identity incident sa Mandaluyong City, kinasuhan na ng NCRPO

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 2992

Sinampahan na ng kaso ng National Capital Region Police Office ang sampung pulis at tatlong tanod ng barangay Addition Hills. Bunsod ito ng mistaken identity incident sa Mandaluyong na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Ayon kay NCRPO Chief PDir Oscar Albayalde, nasa restrictive custody na ang mga ito sa NCRPO headquarters matapos ang insidente.

Kinumpirma din ni Albayalde na nagpositibo sa paraffin test si Jonalyn Ambaan at Mhury Jamon, maging ang dalawa sa grupo ng mga Muslim na sina Abdurakman Alfin na nakaaway ng mga ito at dalawang barangay tanod.

Kaya naman, isa sa tinitingnan nilang anggulo ang matinding away ng dalawang grupo kung saan nabaril sa ulo si Jonalyn.

Posible rin aniyang kumampi ang mga tanod sa grupo ng Muslim na sina Alfin na nakaaway nina Jonalyn.

Noong isang linggo, 36 na tama ng bala ang tinamo nang isang puting  Mitsubishi Adventure sa kahabaan ng Shaw Blvd., corner Old Wack Wack Mandaluyong matapos na ratratin ng mga tanod at pulis sa pag-aakalang ito ang get away vehicle ng hinahanap nilang suspek.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,