NCRPO, nagbabala sa mga pulis na ilegal na gumagamit ng wangwang at mga nakumpiskang sasakyan

by Radyo La Verdad | December 10, 2021 (Friday) | 26391

METRO MANILA – Binalaan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis sa paggamit ng wangwang at blinkers sa sasakyan upang mapanatili itong simbolo ng awtoridad at hindi maabuso ang paggamit.

Babala ni NCRPO chief Vicente Danao jr. kontra sa mga pulis na sadyang gumagamit ng mga na-recover na motorsiklo at sasakyan ay papatawan ng kaukulang aksyon kapag nahuli.

Inutusan naman ni PNP Chief Police Gen. Dionardo Carlos ang PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) na hulihin ang mga motorista, pati mga law enforcement officers na ilegal na gumagamit ng wangwang at blinkers sa kanilang personal na sasakyan.

Ang mahulihan ay ipaguutos na kalasin at isurender ito sa PNP-HPG bago matiketan.

Simula rin Enero 9 hanggang Hunyo 8 ng susunod na taon ay pagbabawalan din ang mga pulis sa pagdadala ng firearms kasabay ng pagpapatupad ng Comelec gun ban at mga checkpoints bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon.

(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)

Tags: ,