Salary increase ng Public School Teachers, pinatututukan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DBM

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 5904

Matapos ang pagdoble ng sahod sa mga tauhan ng militar at pulisya, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isunod ang taas sahod para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Posible ito kung maipapasa na rin bilang batas ang second tax reform package ng Duterte administration. Isa ito sa mga natalakay sa unang cabinet meeting ni Pangulong Duterte para sa taong 2018.

Walang partikular na nabanggit ang pamahalaan kung magkano ang target na dagdag sa sahod ng mga guro.

Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi ito nalalayo sa tinanggap na salary increase ng mga pulis at sundalo lalo na kung may sapat na pondo ang pamahalaan.

Samantala, bagama’t welcome pronouncement ito sa Alliance Of Concerned Teachers Party-list, hindi naman aniya makatwirang gawing dahilan ang pagtataas ng sweldo ng mga guro para ipasa ang pinaniniwalaan nilang anti-poor din na second tax reform package.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,