SAF Director Taliño, nakatutok sa pagpapalakas ng pwersa ng SAF

by Radyo La Verdad | January 26, 2018 (Friday) | 6897

Ilang mga programa ang nais ipatupad ng bagong Philippine National Police Special Action Force Director Noli Taliño sa pagbabalik nito sa hanay ng SAF.

Si Taliño ang deputy director ng SAF nang mangyari ang madugong engkwentro sa MAMASAPano na ikinamatay ng 44 na SAF upang mahuli ang Malaysian Terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan” noong 2015. Target niyang mapalakas ang pwersa ng SAF sa kaniyang panunungkulan.

Ayon pa kay Taliño, dapat ding pag-aralang mabuti ang mga special mission upang maiwasang maulit ang nangyari sa Mamasapano.

Samantala, buo naman aniya ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte para paigtingin ang kakayahan ng SAF.

Ipinag-utos din aniya ng Pangulo na magdadagdag pa ng limang batalyon sa kasalukuyang pitong batalyon ng SAF.

Si SAF Director Taliño ay kabilang sa mga dumalo kahapon sa pag-alaala sa nasawing SAF 44 sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,