Milyon-milyong Pilipino ang nag-abang at sumaksi sa itinuturing na “Fight of the Century” sa pagitan ni undefeated welterweight champion Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao.
Bagaman natalo si Pacquiao, proud pa rin ang ating mga kababayan sa ipinamalas ng Pambansang Kamao sa loob ng ring.
Ilan sa mga kababayan natin ang gumastos pa ng hindi bababa sa higit P1,000 para sa pay-per-view mapanood lamang ang laban ni Pacman at Mayweather
Ang iba, nakisilip na lamang sa bintana ng kanilang kapitbahay
Halos ganito rin ang eksena ng ating mga kababayan sa Morong Star Beach Resort sa Morong, Bataan.
Samantala, nagpahayag pa rin ng suporta ang Hollywood actor na si Sylvester Stallone para sa kanyang kaibigan
Inaasahan naman ni dating undisputed heavyweight champion Lennox Lewis na mananalo si Mayweather dahil sa gulang at galing sa depensa nito.
Inaasahan na kikita ng mahigit sa $300 million ang kikitain ng dalawang boksingero sa pay-per-view buys pa lamang.
Tags: Floyd Mayweather, Manny Pacquaio