Mayweather, tumanggap ng pag-boo mula sa fans ng Golden State Warriors

by dennis | May 15, 2015 (Friday) | 4613

Mayweather

Kung suporta ang natatanggap ni Manny Pacquiao matapos nitong matalo kay Floyd Mayweather Jr, nakatikim naman ng pag-boo mula sa mga basketball fans ang undefeated welterweight champion nang manood ito ng isang NBA playoff game kahapon sa Oakland, California.

Batay sa isang Vine video na ipinost ng isang Erik Malinowski sa social media, tumanggap ng panlalait at pag-boo mula sa crowd si Mayweather nang ipakita ang kaniyang mukha sa overhead monitor sa Oracle Arena sa Game 5 ng laban ng Golden State Warriors at Memphis Grizzlies.

Tumanggap din ng pagbatikos ang twitter account ng Golden State Warriors nang magtweet ito na mainit nilang tinatanggap ang pagdating ni Mayweather sa loob ng arena para manood ng naturang laban.

Karamihan sa mga nagreply sa naturang tweet ay puro pagbatikos at pagkadismaya laban sa undisputed welterweight champion.

Tags: , ,