SAP Bong Go, masayang sinalubong si Floyd Mayweather Jr. sa pagbisita nito sa Davao City

by Radyo La Verdad | May 11, 2018 (Friday) | 4895

Sinalubong ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go si  Floyd Mayweather Jr. sa Davao City.

Pasado alas tres kaninang madaling araw nang dumating sa siyudad ang boxing champ sakay ng kanyang private jet.

Nagkamayan ang dalawa at nakapag-selfie din si Go sa boxing champ.

Ayon kay SAP Go, nasa bansa ang grupo ni Mayweather para magrelax na kagagaling lang din sa El Nido, Palawan.

Tags: , ,