“Pambansang Kamao” Manny Pacquiao, darating bukas mula U.S.

by dennis | May 11, 2015 (Monday) | 4886
Photo credit: Aaron Romero/Photoville International

Photo credit: Aaron Romero/Photoville International

Pabalik na ng bansa ang Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao at ang pamilya nito matapos ang kontrobersyal na laban kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas, Nevada.

Batay sa abiso ng media affairs division ng Manila International Airport Authority (MIAA), alas-3:45, Martes ng madaling araw, darating ang kampo ni Pacman lulan ng Philippine Airlines flight PR103.

Papayagan ng MIAA ang mga kawani ng media na makapagtanong kay Pacquiao.

Mayroong lugar na inilaan sa NAIA Terminal 2 para sa mga communication equipment ng iba’t ibang istasyon ng radio, TV, print at online media.

Inaasahan din na bibigyan ng hero’s welcome ang 8-division world champion sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Mayweather.

Tags: , , , ,