Ruta ng mga pampublikong sasakyan, aayusin ng Department of Transportation

by Radyo La Verdad | July 28, 2016 (Thursday) | 3312

BUS-LANE
Maglalabas ng kautusan ang Department of Transportation upang ayusin ang ruta ng lahat ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Nakita ng DOTr na isa sa dahilan ng traffic ay ang hindi maayos na distribusyon ng ruta ng mga pampublikong sasakyan.

May mga lugar na sobra ang bilang ng mga pampubikong sasakyan habang mayroon naman na kakaunti.

Isa sa hindi tama ang distribusyon ng ruta ay ang EDSA.

Natukoy din ng DOTr na isa sa pinagmumulan ng traffic ay ang choke point sa Cubao area.

Sa pag-aaral na ginawa nila, kada dalawang minuto ay mayroong pumapasok at lumalabas na bus sa mga provincial bus terminal sa EDSA, Cubao.

Tinitignan rin ng DOTr ang mga lugar na maraming mga colorum na sasakyan at tatanggalin ang mga ito at papalitan ng mga bus.

Dadagdagan rin ng DOTr ang mga P2P bus maging ang mga ruta nito upang mas maraming tao ang mapaserbisyuhan.

Sa susunod na buwan magkakaroon na ng rutang alabang-makati bunsod ng kahilingan ng mga commuter.

Nakiusap rin ang DOTr sa mga motorista na panatilihin ang disiplina sa daan upang hindi makasagabal sa daloy ng trapiko.

Dalawang buwan na lamang ang natitira sa unang isang daang araw na proyekto ng DOTr upang mapaluwag ang traffic sa Metro Manila.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,