Rotational Water Service Interruption, ipatutupad ng Maynilad at Manila Water Ngayong araw (October 24)

by Erika Endraca | October 24, 2019 (Thursday) | 7944

METRO MANILA, Philippines – Nagsimula na kaninang alas-3 ng madaling araw ang rotational water service interruption sa mga costumer ng Maynilad. Habang mamayang gabi naman ipatutupad Manila Water ang pagkawala ng suplay ng tubig sa Metro Manila East Zone.

Naka-post sa officel facebook page ng ng 2-water concessionaire ang eksaktong oras at lugar kung saan mawawalan ng suplay ng tubig.

Ayon kay Metropolitan Water Works And Sewerage System Chairman Retnaldo Velasco ang dahilan ng water service interruption at dahil sa patuloy pa ring bumababa ang lebel ng tubig sa angat dam dahil sa kawalan ng mga pag-ulan sa angat water shed sa mga nakalipas na araw.Kaya kinakailangan mapagkasya ang limitadong suplay ng tubig upang maiwasan na maulit ang nangyaring krisis noong tag-init.

“Baka wala tayong tubig sa summer kapag hindi nagdagdagan yung angat dam,so parang yung measure is to lengthen the capacity of angat to be able to supply until summer ulit and then hoping next year wala ng el niño at magkaroon tayo ng magandang tubig” ani MWSS Chairman Reynaldo Velasco .

Sa kabila ng pagbaba ng tubig sa angat dam, nananatili pa rin sa 40- Cubic Meters Per Second (CMS) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila, ayon sa National Water Resources Board (NWRB).

Subalit simula sa susunod na buwan, ibababa ng NWRB sa 17 CMS ang water allocation para sa irigasyon sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga mula sa kasalukyang 30 CMS.

“Ito po ay kasama na rin sa pagma-manage natin ng supply pero sa tingin po natin by November hindi na po ganun kalaki ang pangangailangan ng tubig sa irigasyon nandun sila sa malapit ng mag ani” ayon kay NWRB Executive Director Servillo David Jr.

Samantala, ang NWRB na sa pagpasok ng huling dalawang buwan ngayon taon ay aakyat pa rin sa 212 meters ang lebel ng tubig sa angat dam. Ito’y upang masapatan ang pangangailangan sa tubig sa Metro Manila at irigasyon sa Bulacan at Pampanga hanggang sa panahon ng tag-init sa susunod na taon.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: , , , ,