Rollback sa presyo ng petrolyo na inaasahang ipatutupad bukas, hindi pa tiyak kung magtutuloy-tuloy na – DOE

by Radyo La Verdad | April 4, 2022 (Monday) | 6558

METRO MANILA – Matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo bunsod ng paggalaw ng supply sa world market. May inaasahan namang rollback ngayong linggo.

Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE), ilan sa sinasabing dahilan ng pagbaba ng presyo ng krudo ay ang nangyaring lockdown sa China dahil sa muling paglaganap ng COVID-19 infection at ang peace talk sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan pinagpaplanuhan ang pagbawas sa military operation doon.

Pero sa ngayon, hindi pa rin masabi ng DOE kung masusundan pa ang rollback na ipapatupad bukas dahil hindi naman kontrolado ang galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado

Samantala, tiniyak naman ng ahensya na hindi magkakaroon ng kakulangan sa supply ng kuryenye sa araw ng eleksyon

Planong pagkuhanan ng doe ang available capacity ng ilang hydropower facilities sakaling kailanganin sa araw ng eleksyon. Kasama rin ang paglilipat ng kuryente mula Visayas grid papuntang Luzon grid pati na ang deployment ng generator sets at solar panels.

May commitment na rin ang ilang malalaking planta na ipagpaliban muna ang ilan sa kanilang preventive maintainance services ngayong tag-init lalo na sa araw ng eleksyon upang maiwasan ang potensyal na force outages.

(JP Nuñez | UNTV News)

Tags: