Kinumpirma ng National Food Authority ang laganap na pagi-smuggle ng bigas sa Zamboanga City at iba pang parte ng Mindanao.
Ang Zamboanga ay hindi rice-producing province subalit ayon kay NFA Administrator Renan Dalisay, kapansin-pansin ang napakababang presyo ng bigas sa probinsya na malinaw na indikasyon ng mataas na inventory ng bigas sa Zamboanga.
Kaugnay nito nagsumite si 2nd District, Zamboanga City Rep Lilia Macrohon-Nuño ng House Resolution 1828 na magiimbestiga sa talamak na rice smuggling upang magkaroon ito ng kaukulang aksyon.
Ayon kay Macrohon-Nuño, hindi lamang mga lokal na magsasaka ang apektado ng smuggling kundi maging ang legitimate traders at ekonomiya ng bansa.
(Macky Libradilla/UNTV Radio)
Tags: NFA, rice smuggling