Resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng OFW sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende, lalabas sa loob ng 6-7 araw- OWWA

by Erika Endraca | January 6, 2020 (Monday) | 4219

METRO MANILA – Posibleng ilabas na ng Kuwaiti Government sa loob ng 6-7 araw ang resulta sa inisyal na imbestigasyon sa pagkamatay ni Jeanelyn Villavende sa kamay ng kanyang amo sa Kuwait.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, nakabantay din aniya ang ating pamahalaan sa ibababang desisyon at umaasang mapapatawan ng kaso ang mag-asawang employer ni Villavende

“Sabi ng Kuwaiti Ambassador there are investigations ongoing. The employer couple are detained in prison so, pending investigation they will remain in prison until of course ang expectation natin after 6-7 days they will be formally charged in the court, kuwaiti court. After which paglilitis na or trial will ensue” ani OWWA Administrator Hans Leo Cacdac .

Ayon pa sa OWWA hindi pa kumpirmado kung pulis ang lalaking employer ni Villavende. Pero una nang tiniyak ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines l althwaikh na pananagutin ito kung mapapatunayang sangkot sa kaso.

Samantala, kasalukuyan ding ini-imbestigahan ng governing board ng Phil Overseas Employment Administration (POEA) ang recruitment agency ni Villavende dahil hindi umano nito inaksyunan ang sumbong villavende na sinasaktan siya ng kaniyang mga amo at hindi pinapasahod.

Posibleng maharap sa suspensyon o kanselasyon ng lisensya ang recruitment agency ni Villavende kapag napatunayang nagpabaya sila sa kaso ni Villavende.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,